Dear Boy Tigas,
I am writing you this letter not because of anger. I am writing this letter to you as a friend that has been caring for you all along. We have gone far away from each other. It seems like I don't know you anymore. You have become unpredictable, far from the usual you.
I am writing this letter to help you, to make certain truths known.
1. Wag ka magsubsob sa trabaho sa pagiging officer at pagsisilbi sa school mo, hindi ka binabayaran dyan!
Sobrang nawawala ka na sa radar, kung nandyan ka man, sadyang bad mood ka, pagod, nakakapa-apekto tae! You were the life of the party back in highschool, but now you're just the party crasher. Maraming di nakakaintindi nito, pero ako at yung iba mo pang tunay na tropa, naiintindihan to. Madalas tinatanggihan mo kami, at nasasaktan kami dun. Kasi sa lahat ng bagay, ikaw ang hindi natanggi. Pero sana wag mo iexpect na sa lahat ng pag-aya mo sasama din kami. Para quits! :)
2. Live in the moment!
Sa isang special occasion, nakita kita, habang lahat nagsasaya, ikaw nagttrabaho. Ano ba naman yan pare? nakakaawa ka na kung ganyan ka, nawalan ka na ng balance sa trabaho at social life mo. Masakit mang sabihin to, pero siguro sirang-sira na din ang priorities mo. Ang college life ko, katulad ng sayo, busy at ang daming ginagawa. Pero I try to live in the moment, as much as possible, kasi ang trabaho di nauubos pero ang moments na pwedeng icherish, konting konti lang yan!
3. Wag kang maging Anti-social!
Ay shet, mali ata ang term ko, di pala anti-social kundi selectively social. Brad wag ganon, bakit pag samin busy ka, pag sa iba ok lang? :/ Sama mo naman kami sa Lasagna Trip mo oh! Miss ko na din kasing maging ka pigging out mo eh.
4. Don't expect the world to be tolerant of your mood.
Brad, di titigil ang mundo para sayo. Sa ginagawa mong lagi kang bad mood, ipplease ka ng ibang tao, pero naisip mo ba na pwede din silang mapagod at magsawa. Na pwede din silang tumalikod nalang sayo bigla, tapos maiisip mong di sila tunay na kaibigan kasi tinalikuran ka nila? Kahit tunay na kaibigan napapagod, di kami robot na sobra sobra ang tolerance sa pain, lalo na sa emotional pain kasi wala silang puso. Ang saging may puso, ang mga robot wala. Wag mo kami igaya dun. May saktong emotional tolerance lang tayo.
Naalala mo nung sinuntok mo ko nun, masakit yun aba! Ok lang, kaya pa ng puso eh, kahit umiyak ako kasi kaibigan kita at sinuntok mo kong mokong ka, ok lang. Pero yung nangyayari ngayon, nakakapuno ng emotional tank.
These are the realities you should know. Mahirap tanggapin at masakit pero kailangan. Masuntok mo man ako sa mukha sa next time na magkita tayo, it would be worth it. Atleast alam mo na ang mga nararamdaman ko.
It's disheartening to see that we outgrew each other. Pero it's more disheartening that you're going the wrong way. Sana makatulong to sayo, sana marealize mo na mahal ka naman pero you just have to learn. Magpapahinga muna ako sa pangungulit sayo, kasi hindi ko kayang nararamdaman ang mga bagay na ipinararamdam mo samin.
Hanggang sa muling di ka na busy at may time na para samin.
Lovelots,
Boy Pogi!
No comments:
Post a Comment